Untitled.


    July 19, 2010...

    Punawa, ang mga susunod na mababasa ay nangyari sa totoong buhay. Kung tama ang aking pagkakaalala ay ilang araw pa lamang ang nakalipas nang mangyari ito. Hindi ko maiwasang matawa. Pero hindi halata.
    Kung itatanong niyo ay maroon akong basbas mula sa karakter sa kwento. Nasabi ko na sa kanyang ilalathala ko ito. Pero sana ay intindihin niyo ang pribadong buhay ng bida. Itago nalang natin siya sa pangalang MJA. Short for Ma. Jimlie Aron.

    BABALA:
    Mga bata, 'wag gagayahin ang mga susunod na mababasa. Ang nakakagawa niyan ay tanging ang bida lamang. Patnubay ng magulang ang kailangan...


    Isang araw, about an hour after school, nagluto ni Jimlie. (First time niyang magluto ng dinner para samin)

    Jimlie: Kaon won ta! (Translation: Kain na tayo!) *sabay lapag ng pagkain sa mesa*
    Ako: *lapit sa mesa, upo kasama ng dalawa pa naming kasama* Ano gin eaha mo, Jim? (Translation: Ano niluto mo, Jim?)
    Jimlie: Nami ra! Tortang talong! *naupo na rin* (Translation: Masarap 'to! Tortang talong!)
    Shayne:(Note: isa pa naming roomate) Waw!peborits!

    -Nagsimula na kaming kumain-

    Ako: Ano man da Jim, medyo hilaw kon? (translation: Ano ba ito Jim? Parang hilaw.)
    Jimlie: Hilaw hay? *tinikman ang pagkain* Bukon man masyado. (Translation: Hilaw ba? *tinkman ang torta* Hindi naman masyado.)
    Ako: *kibit-balikat* Tao eang. Mas naila ako nga tustado. Wa abi ako masyadong naila sa lasa it taeong. (Translation: Ewan lang. Mas gusto ko kasi yung tustado. Hindi ko kasi masyadong gusto ang lasa ng talong.)

    Pagkalipas ng ilang araw...
    Dalawang oras pagkatapos ng 6pm na klase.
    Jimlie: Kaon ta won! (Translation: Kain na tayo!)
    Ako: *research habang nagfe-facebook*
    Shayne: *nagbabasa ng pb ni Martha Cecillia na "Apoy sa Malamig na Puso"*
    Jimlie: *nagalit dahil di pinansin* Hay! Hambal ko, kaon ron ta! (Translation: Hoy, sabi ko, kakain na tayo.)
    Ako: Dali eang ki, atat? *balik sa research* (Translation: Sandali, atat?)
    Shayne: *walang reaksyon*
    -Pagkalipas ng ilang minuto-

    Jimlie: Hay! Kaon na ta bala! (Translation: Hoy! Kain na tayo.)
    Ako: Huo eon ngani. Kailangan paulit-ulit? (Translation: OO na nga. Kailangan paulit-ulit?)
    Jimlie: Tindog na bala! (Translation: Tayo na kasi)
    Ako: Ano gid'a ing napabugae nga eaha mo hay? Sigurado kang pwedeng tunlon dun? (Translation: Ano ba iyang pinagyayabang mong niluto mo? Sigurado ka bang kayang lunukin 'yan?)
    Shayne: Basi indi ako hitunawan karon ha? (Translation: Baka hindi ako matunawan niyan ha?)
    Jimlie: Grabe man kamo. (Translation: Sobra naman kayo.) *bumaling sakin* Ruth, 'diba, gusto mo it tustado? (Translation: Ruth, diba gusto mo ng tustado?)
    Ako: Haman? Nageaha ka uman it tortang talong? Medyo iba ta ru hugom kon? (Translation: Bakit? Nagluto ka ulit ng tortang talong? Bakit parang iba ang amoy?)
    Jimlie: *Tawa* Uwa ah. Iba ang gin laha. Jeren!*angat ng isang tinidor na burger patty*

    PATTY DESCRIPTION:
    Mga kasing laki ng times two na limang piso lang ang makakain. Ang gilid ay panay itim na.

    Ako: *nanlaki ang mga mata* Sus maria Santisima! Alin dun Jim? Uling? (Translation: SUs Maria Santisima! Ano iyan Jim? Uling?)
    Shayne: Ha? Uling atong ihapon? *nakita ang luto ni Jimlie* Mabakae lang ako it suea ah. *tatayo sana at lalabas* (Translation: Ha? Uling ang hapunan natin? *nakita ang luto ni Jimlie* Bibili nalang ako ng ulam. *tatayo sana at lalabas*
    Jimlie: Sobra man kamo! Samiti niyo anay bi! (Translation: SObra naman kayo. Tikman niyo kasi muna)
    Ako: Sige. 'Wa paman ako kasamit it uling. (Translation: Sige. Hindi pa naman ako nakakatikim ng uling.)

    --Nalaman ko ang kwento behind the patty na niluto ni Jimlie. Inistructionan daw siya ng isang kasama namin na hintayin na mag-"RED" 'yong pati. Hinintay niya naman daw. Tapos 'ayun, biglang nag-apoy. Feeling niya pa raw, professional chef siya dahil napaapoy niya raw 'yong kalan. At hayun, ang naging resulta, ang patty niyang halos kasing laki nalang ng limang piso ang makakain.
    Trivia. Alam niyo bang ayon sa kanya, kailangan mong pahiran ng tubig ang mga braso mo bago magluto? Para daw mas less ang sakit kapag natalsikan ng mantika. *kuliglig sounds enter here*

    Hindi ko alam kung aabangan ko ang susunod na lutuin niya. Pagkatapos niyang lutuin ang...


    "NAGLILIYAB NA PATTY"


    Photobucket
    Source URL: http://gbejadacosta.blogspot.com/2010/08/untitled.html
    Visit Gbejada Costa for Daily Updated Hairstyles Collection
My Ping in TotalPing.com

Blog Archive