Elyen Family


    Oo, isa akong elyen. Obvious ba? Haha.
    May isa akong pamilya na panay elyen :)

    Si Bru, nakilala ko siya nung sumali ako sa Pranings Smarters. Napamahal sakin tong batang to dahil sa saltik niya sa ulo. Pareho kasi kami. Haha. Pero kahit out of this world mga trip nito, she's very lovable. Hindi lang halata pero mabait at mapagmahal na bata. Not to mention very intelligent. Pero ang ayaw ko sa batang ito, para siyang ako. Oh, no violet reactions. Walang tiwala sa sarili. Ayaw maniwala na maganda siya, matalino at madaming nagmamahal sa kanya. Alam mo Bru, andaming nagmamahal sayo! Hindi mo lang alam kasi hindi naman pwedeng minu-minuto, nagsasabi sila na mahal ka nila. Namin pala. Maganda ka in your own way. UNIQUE ka. Utang na labas, makinig ka sakin! Hahaha.
    Mas naging close kami ng bruhang to ngayong year :) Yung tipong kung ano ginagawa nung isa, ginagawa din ning isa. Haha. Ayokong nakikitang umiiyak si Bru. Malungkot o may sakit. Lalo na kapag may nang-aaway! Mahal na mahal kita, bruha ;)


    Si Dhay, friendster palang, chikahan na kami! :) Hahaha. Naaalala ko pa noon palitan namin ng posts sa friendster. Naaliw ako sa kanya kasi magaling siyang mambola.xD Hahaha. Joke lang dhay! Napamahal na agad ako sa kanya noon pa man :) Katulad ni Bru, isa pa tong low self-esteem! Bagay nga tayong pamilya! Haha. Iisa lang sasabihin ko sa inyo. Maganda ka. UNIQUE ka. At wag kang emo madalas ;) Di bagay satin yan! Alam mong suportado kita sa love life...ay mali dialogue ko. Take two.. Alam mong suportado kita sa pag-aaral mo. wag kang paka-stress! Don't worry, there's no sugar ;) At kapag may ikinasasakit ka ng heart, alam mong nandito lang kami! Isang post, message lang sa FB, andyan na kami para tulungan ka :) Wag kang malulungkot mag-isa. Baka maging pasyente kita, sige ka ;) I Love you much Dhay!


    Si Jam. Si Jamsicles. Ang isang temptasyon. Hahaha. Love love ko si kafatid! Makulit din, siyempre! Haha. Pero lovable, incredible, insurmountable, stretchable, convertible! Ay teka, iba na. Si kafatid na siguro ang isa sa pinka-jolly na taong kilala ko. Not to mention, TRUE. Ipinapakita niya kung sino siya. And it's up to the people if they'll love her or not. But I do. Mahal ko si Jamil Aguilus ;] Katulad ng dalawang nasa taas, ganun din to! Ayaw maniwala na maganda siya! Na maganda siya! Na maganda siya! (ume-echo) Hindi man halata, alam kong mapagmahal tong si kafatid. Maaalalahanin at mabait. She's lovely and very loving at the same time in her own way. At hindi niya kailangang magbago! Like heller? I Lab lab you, kapatid!

    Si Joc. Masasabi ko tong batang to, kapag di nagpakilala sakin, magiging crush ko. :)) Haha. Nung nag-RP siya kay *toooot* gustong gusto ko mga banat niya. Haha. Hindi ako nagtataka kung bakit baliw sa kanya si *toooooooot*. Hahaha. Napakamasayhin, katulad ni Jam. Pero kung mag-emo, wapak na wapak din! Haha. Isa rin tong low self-esteem pero maganda naman! May ipagmamalaki! Pero pakiramdam niya, wala! Haynako. Alam mo joc, maging confident ka sa kaya mong gawin! You rock! :) I love you! ^^


    Isang bagay na ikinapapasalamat ko sa mga to, andiyan lang sila lagi. Tsaka yung napapatawa nila ako kahit nasa masamang mood ako o nasa malungkot na sitwasyon. They make me feel like I'm not a nit-wit. Na espesyal na siopao ako. I'm amused with this people because no matter what they're going through, they still manage to smile. And make people smile.
    Alam niyo, isa sa pinakamagandang talent ng tao ang makapagpatawa :) Kasi hindi madali na magpatawa ng tao. Kaya wag niyong iisipin na wala kayong ipagmamalaki sa sarili niyo. Dahil ang capacity niyo na magpangiti ang pinaka-wapak! na talent na meron kayo =)
    Mahal ko kayo, mga elyen! Muah
    Source URL: http://gbejadacosta.blogspot.com/2010/12/elyen-family.html
    Visit Gbejada Costa for Daily Updated Hairstyles Collection
My Ping in TotalPing.com

Blog Archive