Random People

    Nawawaley na ako. Hahaha. Here's some random people na naging parte ng 2010 ko =)

    Kay Ate Meow, ilang years na tayong magkakilala? 3 na ba? or 2 palang? But who's counting? I'm still hoping for years of friendship with you! Hindi ko makakalimutan yung araw na nagkakilala na tayo at thankful ako na nangyari yun. Ikaw ang isa sa mga tao na higit na nakakakilala sakin dahil noon pa man, 'trash can' na kita ng mga problema ko and you always manage to calm me down. Char. Napapa-english ako ah. Haha. Siyempre aasahan parin kita sa mga susunod na new year ng buhay ko. :3 I love you Ate Meow!


    Ate Eunice, Ate Ge, Ate Gracy at sa buong GG's, thank you for entering my life! :) Naaaliw ako sa kakulitan niyo! haha.. pero pasensya kayo, gwardyado ko mga Kuya ko. :P Harhar.. Kidding aside, thank you so much na andyan kayo! :) Speakless na ako eh =)) Basta salamat! Looking forward to a long friendship! Labshu!


    Sweets, hindi man tayo matagalang magkakilala pa, labs na labs na labs kita :) Kahit wala yung Cadbury at Maroon 5, labs padin kita.. Ang bait bait mo sakin, grabe! Wala akong maipintas sayo. Pero alam mo, sa totoo lang, nagpapasalamat ako sa'yo ng bongga. =) Noon kasi, nao-OP ako sa RP sa text, alam mo naman yun. Pero ikaw, never mo pina-feel sa akin na OP ako. Pinapansin mo mga paepal kong GMs kahit walang sense. It means a lot to me, really. Hindi man kasing bagsik ng bonding mo sa ibang RP ang bonding natin, labs padin kita^^ Sana matagalan moko..este, magtagal ang friendship nati! I lab yow! :-*(Sabi ko sayo, di nakakaiyak eh)


    Kay Bebs, Dianne. Nagulat ako sa text mo sakin nung Christmas eh :) Hindi ko ine-expect yun. Kasi alam mo Nak, sa totoo lang, ang taas ng tingin ko sa'yo. =) Walang bola, pramis. Lower class citizen lang si Inay. Mana ka sa tatay mo :)) Haha. Yung totoo ah? Minsan kasi feeling ko, feeling ko lang naman, ang layo ng agwat natin. Chaaarr! Basta kasi, hindi ko ma-explain eh. Yung tipo ba na nag-aalinlangan ako kasi parang ang superior mo sakin at parang di moko feel na ewan. Praning lang. Haha. Pero labs kita ng sobra. Minsan lang talaga naiisip ko lang na hindi kasi tayo masyadong pareho. But honestly, I look up to you =) Minsan lang talaga takot ako na mag-react sa mga bagay-bagay tungkol sa'yo dahil baka hindi mag-fit ang mga salita ko. Ilang beses kong nabanggit ang minsan? Haha. Thankful ako na ibinigay ka sa akin ni Lord(sinolo? Haha) at naging kaibigan kita. Hindi man tayo gaanong nagkakausap ng madalas, mabangis parin ang pagmmahal ko sa'yo. At wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya ka :) I love you, Nak!


    Ifi-finale ko to, NANAY este MAMI GLETAAAAAA! Pang ilang Mami ba kita? Basta. Love kita ng todo. Alam mo naman yun! Paulit-ulit kong sinasabi =) Haha. Kahit hindi ko alam kung sino ang Tatay ko sa'yo, keribels! Nanay este Mami padin kita! Hindi mo alam mie kung gaano ka kaimportante sakin =) Madalas kita nami-miss pero di ko pinapaalam. Pride nga naman. Hahaha. Ang laki mong parte ng buhay ko, at alam mo yan. Alam mo lahat ng tumatakbo sa isip ko. Isa kang anghel sakin(kahit hindi halata. Hahaha). Sa'yo ko napagkakatiwala lahat ng sikreto ko at patuloy kong gagawin yun kaya magdusa ka! Haha. Alam ko kasi na naiintindihan mo saltik ng utak ko. Tsaka kahit kelan hindi ka pa pumapalya sa pang'lalapastangan' mo sa akin. Haha. I love you much mie! :)


    Happy New Year!
    Source URL: http://gbejadacosta.blogspot.com/2010/12/random-people.html
    Visit Gbejada Costa for Daily Updated Hairstyles Collection
My Ping in TotalPing.com

Blog Archive