Walang basagan sa title ng post nato. :P
Kung kilala niyo kong tunay, alam na alam na alam na alam niyo na gusto kong magka Kuya. Kasi nga *blah blah blah* alam niyo na ang kwento. Ayaw kong magdrama.
So. Kung nakakita kayo ng sermon sa wall ko, alam niyo na kung sino sila. Haha. Paano ko sila nakilala? Sa RP yun. Ayoko sabihin kung ano ako sa RP. Eh papano! Ang popogi ng PP! Imbyerna! Lahat kras ko pa! Imbyerna times two! Haha. Eh nako, hindi ko naman alam na lalake pala sila. Kasalanan ko bang umibig ng tama? Haha. Kidding aside, noong una, nilalandi(ang panget ng term) ko lang sila. Haha. Tas nagkakilalanan na. Nirecruit ko silang kuya. The end. Next blogpost. Haha. Joke.
May mga hindi kayo nalalaman na experience namin(nandamay, namin?). Nasubok ang emotional capacities ko. English yun! Havey! :)) Ay ayoko na mag-drama!
Si Kuya Labs. Kras na kras na kras ko si Fafa Justin. Alam niya yun. Hahaha. Kaya sa RP, siya laging 'nilalandi' ko. Arte arte ko. Haha. Pero nung naging Kuya ko na siya, siyempre waley na. Super bait na nilalang. Hindi ko alam kung san pinaglihi to nila Dady Labs. Haha. Hindi niya raw alam pero malambing siya. Mabait saka maaalalahanin. Nasabi ko bang mahilig siya manermon? Haha. Ayan, nasabi ko na. Pero nasa lugar ang bawat sermon ni Kuya. Minsan, feeling ko, mas kilala niya pa ako kesa sa pagkakakilala ko sa sarili ko. :))
Si Kuya Labs yung tipong andyan lang lagi. Yung tipong always available kung kailangan mo ng kausap. Laging siya ang kakampi ko. Laging siya ang tagapagtanggol ko. Laging siya ang nagse-save sakin. Laging siya ang pumu-protekta sakin. Ayaw niyang may tinatago ako sa kanya lalo na kapag malungkot ako. Lab na lab ko si Kuya Labs kasi mas malungkot pa siya sakin kapag nalulungkot ako. Hindi ko alam kung ba't ang bait bait padin niya sa akin kahit napakapilya ko. Ilang beses nakong naging suwail sa kanya pero hindi padin niya nagawang magalit. T^T Pano ko di ila-lab si Kuya Labs kung ganyan siya? Kaya madalas, nagso-sorry ako. Ayaw naman tanggapin kasi wala naman daw dapat. Thankful ako na nakilala ko siya kasi nakita ko talaga na nag-a-act siya na parang Kuya ko talaga siya. He was bits of how I wanted my brother to be. At ayoko na mawala siya sa buhay ko. Magwa-wild ako. I love you Kuya Labs!
Si Kuya Sugar. Siya ang pinakakinatatakutan ko sa kanilang tatlo. Nagpapanic ako kapag nagtetext siya ng ":|". Ang hilig nila sa ganyan! Nagkaron ako ng fear sa ":|" dahil sa kanila. Hahaha. Pero si kuya Sugar ang pinaka-sweet. Lagi siyang nag-aalala sa akin. Lagi siyang nandyan para sakin. Lagi siyang nakaagapay. Siya yung lagi na nagpapa-feel sakin na kahit papaano, importante ako sa mundo. Na may malulungkot kapag nawala ako. Alam kong nagsesermon siya sakin ng major major kasi nag-aalala siya sa akin. At lagi niya akong winiwindang sa ginagawa niyang pag-aalala kasi di ko alam na ganun pag-aalala niya sa akin. Lagi niyang sinasabi sa akin na mag-ingat ako dahil madaming nagmamahal sa akin. At lagi niya saking sinasabi kapag malungkot ako, "You know kuya loves you, right?". At sabi ko rin sa sarili ko na hindi ako iiyak! T^T Lagi akong pinapaiyak ni Kuya Sugar. Lalo nung sinabi niya sa akin sa kalagitnaan ng sermon niya na, "Paano nalang sugar kung wala na ako rito para magpaalala sayo?" Naiyak ako. At naiiyak ako kapag naaalala ko. Kasi ayaw ko mawalan ng Kuya Sugar T^T I love you Kuya Sugar!
Si Kuya Irog. Naalala ko kung ba't tinawag ko siyang Irog.. *flashback!* Kasi, nag-uusap kami, nagkakape siya nun eh.(wow, nakita ko) Basta sabi niya nagkakape siya. haha.So yun, nabanggit niya si Peter Parker! Eh munyemas, fatay na fatay ang bangs ko kay Peter Parker! Tas sabi nga niya, Peter daw pangalan niya. Eh siyempre makulit ako, sabi ko, "Ikaw ba yan, aking irog?" Tas ayun, tinawag ko siyang kuya Irog. Very touching no? Haha.
Ilang sa akin si Kuya Irog noon. I felt it! Aminin mo. Hahah. Minsan lang kami magkatext pero napamahal din ako sa kanya. Bait bait kasi. Ewan ko diyan kung bakit siya mabait sakin. Haha. Noon, I tot Kuya Irog cared less. :) But he proved me wrong. Napagtanto ko kasi na isa siyang buzy na human. Kaya flattered ako na may mga oras na nakakausap ko siya :) At siyempre, nami-miss niya din ako. Char! Hahaha. Love Love ko si Kuya Irog kasi he makes time na makausap ako kahit saglit lang =) By that, pinapa-feel niya sakin na nag-e-exist si "bunso" sa buhay niya ^^ I love you Kuya Irog! :)
Alam ko, pinagtsi-tsismisan niyo ko. Hahaha. Lagi akong nadadapa eh! Hahaha.
Pero sana wag kayong magsawa sa kakulitan ko =) Gusto kong i-wish na sana permanent na kayong nasa buhay ko pero hindi parin ako ang may desisyon. Natatakot ako na dumating yung araw na wala na akong koneksyon sa inyo... Hay! Ayoko isipin! T^T
Basta, You're one big part of my 2010! And always think that just by being there, you have already made my year. At napunan niyo ang halos one fourth ng buhay ko.
Visit Gbejada Costa for Daily Updated Hairstyles Collection