Mahilig akong magpuyat nung hindi pa ako binigyan ng curfew =) Tas napasama ako sa Vamps. Napamahal.
Yung iba sa kanila na-meet ko na in person pero yung iba, hindi pa.
Si Ate Jhoy. (mahaba-haba to) Hindi ko maalala exactly what date or what particular situation ko nakilala si Ate Jhoy. Basta ang alam ko, tumatak sakin ang pangalan niya. Una palang, ang bait bait na niya sakin. Idol niya daw si Mariane Reign. Sino yun? Haha. She is very generous. TOO generous. Katulad nga ng sabi niya, minsan, inaabuso siya ng mga kaibigan niya. Pero sila ang mali. Sila ang mangmang. Jhoy Balboa, sasamantalahin nila? A person like Ate Jhoy is more than worth keeping forever. Disregard everything she could give you, she is still wonderful. Masasabi kong isa akong mapalad na tao para makilala ko si Ate Jhoy. Aaminin ko, almost every secret na meron ako, nakatago (at mananatiling nakatago, alam ko) kay Ate Jhoy. That's how much I trust her.
Hindi halata pero nahihiya talaga ako sa kanya madalas dahil spoiled na spoiled ako. *blush* Eeee~ Hahaha. Landi! :)) Pero seryoso. Isang napakabait na tao ni Ate Jhoy. Lahat ng nakakakilala sa kanya, sigurado ako, yun ang sasabihin. Kung kailangan mo ng kausap, andiyan siya. Kung kailangan mo ng magpapangiti sayo, andyan siya. Kung tagapakinig, andiyan din siya. Kapag namulubi kaya ako, andiyan din siya? Haha. Joke lang!
Pero I love you todo todo, Ate Jhoy! Sa'yo ako never nahiya dahil komportable ako sayo. I'm hoping for years of friendship! :) I love you! ^^
Kay Blooha. Aliw ako sa kanya kasi halos pareho kami ng takbo ng utak. =) Napakabait na bata pero kakaiba. Naging close kaming dalawa sa PHR forum din. Tapos nagkasama kami sa workshop. Pero noon talaga nagtatawagan kami. Bloo is a true friend. She's worth keeping forever. Makulit din siya tulad ko pero nasa lugar at nasa tamang sitwasyon. Love ko si blooha kasi isa siya sa mga first batch na readers ko :) Siya yata ang unang una na nagsabi sakin na Number one fan ko siya. She would probably be one of the closest sa puso ko. I love you, bloohilda!
Si Ate Frecy, ang kyut kyut! Aliw ako sa kanya dahil napaka-jolly niyang tao. Hindi siya yung tipo na nagpapaapekto sa negative vibes. Laging positive at masayahin! Pero ang nakakatuwa kay Ate Frecy, no boring moments kapag kasama siya. Laging masaya at maganda ang aura. Kung ano ang trip, gore lang! Atleast masaya. =) Pasalamat ako at nandiyan si Ate Frecy! Madami akong pictures! hahaha.xD Haylabyu!
Si Ate Marga, sweeeet! Ang bait niya kaya sweet. Siyempre sa diksyunaryo ko naman yun. Haha. Pero seryoso, si Ate Marga yung kapag kausap mo, jive na jive. Walang OP. Naniniwala ako na sa mga susunod na buwan, ako naman ang magiging fan. Haha. Diba? Diba? Salamat sa lahat, Ate Marga! :D Haylabyu!
Si Ate Janet, siya yata ang partner in crime ko sa PHR workshop. Haha. Wala, hindi kayo pinalad, naging seatmates kami. Hahaha. Kaya siyempre, RIOT! I enjoy every moment with Ate Janet. Pareho kasi kami....pano ba? Madaming sinasabi? hahaha. Sige na nga! Madaldal! Nung nagkita kami sa PHR workshop, first meeting parang ang tagal na naming magkakilala! Haha. Agad naman akong napamahal kay Ate Janet dun, siyempre. =) I cherish the moments na nagse-share kami ng ideas sa isa't isa. Sabay kaming napu-frustrate sa mga novels namin. Mga ganun. Haha. I love you Ate JB!
Si Ate Toni ay pretty pretty. Pero malambing din siya saka mabait. Katulad ng every member ng TG Vamps, masayahin. Nakilala ko si Ate toni sa PHR forum. Nagakapalitan ng ideas at words dun kaya nagkakilala. Tapos nag-meet kami sa Manila =) Saglit lang pero masaya. Hindi man kami madalas na nagkakausap, lab ko padin siya :)
Si Ate Armie, nakakaaliw din siya tulad ni Ate Frecy.Napaka-jolly at palangiti. Masayang kasama at mabait. Minsan ko lang din nakakausap si Ate Armie pero sa mga times na nakakausap ko siya, naaalala kong lagi akong nakangiti. Sabog na kung sabog. Haha. I lab yu Ate Armie!
Si Ate Ana, nakilala ko siya thru Ate Jhoy. Wala ako masyadong masabi kasi madalang lang kami magkausap. Nevertheless, thankful ako na nakilala ko siya. She's a good person and trustworthy. Seryoso siya sa mga bagay na gusto niyang gawin. When she wants it, she aims for it. I hope na makita ko din siya in person =) Lab yu Ate Ana! :)
Si Utol, Janelle Kim, naalala ko, siya ang unang-unang nag-email sa akin tungkol sa novels ko. Tapos hindi niya sinasabi, lintek, writer din pala ang bruho! Haha. Sa totoo lang, fan na fan niya talaga ako. Amused ako sa mga lalaking nagsusulat o kahit nagbabasa ng romance. Si utol, madalas kong nakakatext dati. Kwentuhan madalas tas tuksuhan tungkol sa lovelife niya. Hahaha. Thankful ako na nakilala ko siya dahil 'rare' specie na siya. Choks! Haha. I lab yu tol!
Pasensya na at speechless pa ako sa lagay nato :) Masama pakiramdam ko pero gagawin ko to para pasalamatan kayo. Sana sa mga susunod na taon, nandiyan parin kayo. Sana wag kayong magsawa sa akin kasi ako, never akong magsasawa sa inyo. I love you!
Source URL: http://gbejadacosta.blogspot.com/2010/12/tg-vamps.htmlVisit Gbejada Costa for Daily Updated Hairstyles Collection